Thursday, October 1, 2009

xmas payatas hudas barabas hestas

Namiss mo DAW ako. Yun ang sabi mo. Inisip ko pa nga kung matatouch ako, pero sorry na lang dahil hindi. Wala na, nagexpire na ang inaakala kong totoo at habambuhay. Kasalanan mo. Binigyan mo ako ng basura kaya dumpsite ang ibabalik ko sa'yo. At siguro lang nagising ako sa katotohanan na ikaw ang xmas season ko. Long been anticipated, pero pag nandyan na, wala lang. Lilipas lang. Naachieve ko na siguro yung gusto ko, yung maging close tayo. Kaso di mo ako pinahalagahan. Itinataboy at binabalewala mo lang ako. Ang tanga ko nga dahil bakit di pa kita nilayuan ng mga oras na yun. Pinagtyagaan ko pang intindihin ang mga topak mo. Kaso nagising nalang ako na ayoko na pala. Nakakapagod din palang magdecorate para tanggalin rin lang pagkalipas ng okasyon. Nakakapagod nang mangolekta ng basura, kaya magtatambak na ako. Naipon na eh. Kaya kung ngayon e iba na ako sa nakilala mo, pasensya. Kasalanan mo. Ginawa mo akong halimaw.

1 comment:

  1. isa sana akong IDEAL man kung hindi ako winasak ng mundo...siguro ganun ka din sana? pareho tayong sinira, winasak at pinagkaitan ng mundo. PUTANGINANG YAN!kaya e2 ang sanay mga ideal na tao ay naging mga basurang inaanod sa alon ng buhay...tandaan mo palagi...MAY GINTO SA BASURA! hehehe!

    ReplyDelete