Wednesday, September 23, 2009
Burador
Di ko naiintindihan bakit bigla nanaman akong nagka-blog. Sinaniban siguro ako. Sabi ko ayoko na sa cyberspace. Ilang blogs, friendster at yahoo accounts na ba ang nagsara o binura ko? Tapos eto nanaman ako. Sabi ko, magsusulat na lang ako pag nagtatae nanaman ang utak ko. Pero may mga pagkakataong di pwede magsulat, tulad ngayon, kaya selepono na lang. Bakit ba may account nanaman ako dito? Gusto ko lang siguro. Bakit bigla kong buburahin pag nainis ako? Siguro dahil napakinabangan ko na. Hindi ko rin alam. Sa ngayon, magulo pa ang isip ko. Di ko pa rin matanggap na may bagong blog nanaman akong buburahin balang araw.
Tuesday, September 22, 2009
Hunyango
Sino ba talaga ako? Di ko rin alam eh. Pwede akong maging yung iniisip mo, at pwede rin namang maging yung iniisip kong iisipin mong iniisip ko. Magulo ba? Kasi magulo rin ako. Pakiramdam ko talaga, wala akong sariling pagkatao. Parang hunyango, umaakma lang sa kung anong madikitan nito. Nagiging tanga ako pag mga tangahin ang kasama ko. Nagiging henyo din pag matatalino ang kausap ko. Mas boring ako pag naboboring ako sa'yo. Patatawanin din kita pag joker ka. Emo ako pag senti ka. Depende sa'yo, depende sa kasama ko. Siguro nga, yun yung totoong ako. Pero parang ayoko ng ganun. Hindi yata ako yun. Pinagsama-samang siya, ikaw, sila para maging ako. O baka di ko pa lang talaga nahahanap yung ako. O baka nahanap ko na, at nagtatago lang pala ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)