Wednesday, September 23, 2009
Burador
Di ko naiintindihan bakit bigla nanaman akong nagka-blog. Sinaniban siguro ako. Sabi ko ayoko na sa cyberspace. Ilang blogs, friendster at yahoo accounts na ba ang nagsara o binura ko? Tapos eto nanaman ako. Sabi ko, magsusulat na lang ako pag nagtatae nanaman ang utak ko. Pero may mga pagkakataong di pwede magsulat, tulad ngayon, kaya selepono na lang. Bakit ba may account nanaman ako dito? Gusto ko lang siguro. Bakit bigla kong buburahin pag nainis ako? Siguro dahil napakinabangan ko na. Hindi ko rin alam. Sa ngayon, magulo pa ang isip ko. Di ko pa rin matanggap na may bagong blog nanaman akong buburahin balang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehe... bakit nga ba ganun? ako rin dati eh.. pero lam mo nanghinayang ako...... bukod sa isang taon narin yung blog ko dati eh sayang yung mga naging kaibigan ko at mga nasuat ko.... kaya wag mo na tong buburahin ha
ReplyDeletehehehe! we have a tendency to destroy things which we worked hard to build.
ReplyDelete