Saturday, October 3, 2009

naknamputik

Tama lang sa kanila yun. Yun ang unang pumasok sa isip ko nang mapanuod ang mga nasalanta ng baha. Sigurado karamihan sa mga yun e masasamang tao, kinakarma lang. At yung iba e mga mahihinang nilalang na gustong turuan ng buhay para maging matatag. Gusto ko sanang maawa, pero nilamon na yata talaga ng baha at putik ang puso ko. Natutuwa akong may makitang nagdurusa, dahil sa ganun ko nararamdamang patas ang mundo at hindi lang ako ang hinahamon ng buhay. Bakit ako maaawa? Sa'kin ba may naawa? Bumangon akong mag-isa. Nilimas ang tubig baha at pinala ang makapal na putik ng mga taong walang awang binagyo ang puso ko. Walang natanggap na relief goods, ni wala akong bubong na naakyat. Inanod ako at pinilit languyin ang buhay kong halos mabura sa mapa ng kasaysayan. Ngayon siguro masasabi kong humupa na ang baha. Nalinis na, pero nandun pa rin yung bakas ng putik--naging alikabok na nakakapuwing.

Thursday, October 1, 2009

xmas payatas hudas barabas hestas

Namiss mo DAW ako. Yun ang sabi mo. Inisip ko pa nga kung matatouch ako, pero sorry na lang dahil hindi. Wala na, nagexpire na ang inaakala kong totoo at habambuhay. Kasalanan mo. Binigyan mo ako ng basura kaya dumpsite ang ibabalik ko sa'yo. At siguro lang nagising ako sa katotohanan na ikaw ang xmas season ko. Long been anticipated, pero pag nandyan na, wala lang. Lilipas lang. Naachieve ko na siguro yung gusto ko, yung maging close tayo. Kaso di mo ako pinahalagahan. Itinataboy at binabalewala mo lang ako. Ang tanga ko nga dahil bakit di pa kita nilayuan ng mga oras na yun. Pinagtyagaan ko pang intindihin ang mga topak mo. Kaso nagising nalang ako na ayoko na pala. Nakakapagod din palang magdecorate para tanggalin rin lang pagkalipas ng okasyon. Nakakapagod nang mangolekta ng basura, kaya magtatambak na ako. Naipon na eh. Kaya kung ngayon e iba na ako sa nakilala mo, pasensya. Kasalanan mo. Ginawa mo akong halimaw.