Saturday, October 3, 2009

naknamputik

Tama lang sa kanila yun. Yun ang unang pumasok sa isip ko nang mapanuod ang mga nasalanta ng baha. Sigurado karamihan sa mga yun e masasamang tao, kinakarma lang. At yung iba e mga mahihinang nilalang na gustong turuan ng buhay para maging matatag. Gusto ko sanang maawa, pero nilamon na yata talaga ng baha at putik ang puso ko. Natutuwa akong may makitang nagdurusa, dahil sa ganun ko nararamdamang patas ang mundo at hindi lang ako ang hinahamon ng buhay. Bakit ako maaawa? Sa'kin ba may naawa? Bumangon akong mag-isa. Nilimas ang tubig baha at pinala ang makapal na putik ng mga taong walang awang binagyo ang puso ko. Walang natanggap na relief goods, ni wala akong bubong na naakyat. Inanod ako at pinilit languyin ang buhay kong halos mabura sa mapa ng kasaysayan. Ngayon siguro masasabi kong humupa na ang baha. Nalinis na, pero nandun pa rin yung bakas ng putik--naging alikabok na nakakapuwing.

1 comment:

  1. wahahaha! we feel the same...buti nga sa kanila! mga putangina nila! pinagbabayaran lng nila ang mga kasamaang nagawa nila.gulong lng ng buhay yan..wag na silang magpaawa. tayo ulit, bangon at ituloy ang buahay! wag nang magpatanga tanga pa! wahaha! buti nga sa inyo! bleh!!

    ReplyDelete