Tuesday, September 22, 2009

Hunyango

Sino ba talaga ako? Di ko rin alam eh. Pwede akong maging yung iniisip mo, at pwede rin namang maging yung iniisip kong iisipin mong iniisip ko. Magulo ba? Kasi magulo rin ako. Pakiramdam ko talaga, wala akong sariling pagkatao. Parang hunyango, umaakma lang sa kung anong madikitan nito. Nagiging tanga ako pag mga tangahin ang kasama ko. Nagiging henyo din pag matatalino ang kausap ko. Mas boring ako pag naboboring ako sa'yo. Patatawanin din kita pag joker ka. Emo ako pag senti ka. Depende sa'yo, depende sa kasama ko. Siguro nga, yun yung totoong ako. Pero parang ayoko ng ganun. Hindi yata ako yun. Pinagsama-samang siya, ikaw, sila para maging ako. O baka di ko pa lang talaga nahahanap yung ako. O baka nahanap ko na, at nagtatago lang pala ako.

1 comment:

  1. hayz...pathetic! pareho tyo! ako naman sawang sawa nang tumawa...kasi hindi ako un. ang totoong ako ay puno ng luha at hinagpis na kailan ma'y hindi ko nagawang ipakita sa malupit na putanginang mundong ito. at wala ako planung bigyan xa ng isa pang pagkakataong pagtawanan n nnaman ako. kaya taas noo ako kahit ang totoo'y nakasubsub n sa putikan ang muka ko.

    ReplyDelete